Veronicans, Soar High!!

This is the virtual hangout for Veronicans! CSA BiƱan AY 2008-2009, signing up is for veronicans... but Who's to say that teachers aren't allowed!! So teachers... feel free to join us as moderators in this forum.~Darkside1362, webmaster~
 
PortalPortal  HomeHome  GalleryGallery  RegisterRegister  Log inLog in  

Share | 
 

 Hayo na, Tayong mga Sandayo

Go down 
AuthorMessage
Malkuthe Highwind
Admin
Admin
avatar

Male
Number of posts : 197
Age : 22
Location : In a tiny blue speck, floating upon the vastness of space.
Reputation : 10
Registration date : 2008-10-30

PostSubject: Hayo na, Tayong mga Sandayo   Sun Apr 12, 2009 6:27 pm

Hayo na, mga kapwa sandayo. Natatandaan niyo pa ba ang binigkas ng mga tagapagbantay?

"Masdan niniyo ang bitak ng lupa
Sundan ninyo ang daloy ng tubig
Damhin ninyo ang init ng alab
Lasapin ninyo ang simoy ng hangin

Likha saan ang inyong dalumat ng kalikasan?

Naririnig niyo ba ang kanyang tinig?

Sasagutin niyo ba ang kanyang paghingi ng tulong?

Tutugon ba kayo sa kanyang pagsubok?


Makamandag na salita ang kanilang binitawan, pero, sa katotohanan, tama sila. Magagawa mo ba sa mabuting konsiyensiya na sirain ang kalikasan. Noon, ang mundo ay malinis, payapa at balanse. Hanggang sa ipinanganak ang isang nilalang na ang kaalaman ay di mapantayan sa kahit anong sulok ng kalikasan. Gahamad sila, ginamit nila ang kalikasan na akala nila'y walang hanggan. Sino sila? Aba! Walang iba kundi tayong mga tao.

Nais ko lang itanong, sino tayo kundi mga mortal na nilalang upang sirain ang kalikasan? Dapat nga, dahil sa ating kaalaman, ay tayo ang nagbabantay dito. Pasensiyahan na lang, kung gaganti ito sa atin. Tayo rin ang ating ikapapahamak. Di ba nila naiisip na dahil sa ating kasakiman, tayo na rin ang gumagawa ng daan sa ating pagkasira? Balang araw, pag tayo'y nawala na sa mundo, tayo rin ang magpapataba sa lupa. Tayo nga ay mamamatay, pero ang kalikasan ay immortal. Immortal nga siya, ngunit, pwede parin siya mamatay dahil sa patalim at kamandag. Itong dalwang ito ay nasaatin, nasaating mga tao. Nasasa-atin rin ang gamot at panangga. Ano ang ating pipiliin? Alam ko na dahil sa kasakiman, ang mga nag aakalang ang dala nila'y gamot at panangga ay sa totoo, nagdadala ng patalim at kamandag.

Nabulag na tayo, mga kababayan, nabulag na tayo sa kalagayan ng ating mundo. Ang henerasyon natin ang kinakailangang manguna patungo sa pagbabago. Mga kababayan! Kung hindi tayo magbabago sa ating kasakiman, tayo rin ang mapapahamak. Mga kapwa Sandayo, mga kapwa pag-asa ng tao. Hindi tayo tinawag na ganoon dahil lamang sa paglolokohan. Tinawag tayo na ganoon upang malaman natin ang ating kalagayan. Tinawag tayong ganoon upang mamulat tayo sa ating kasakiman. Tinawag tayong ganoon dahil tayo ang sasagip sa mundong ito.

Maaari nga na may iba pang henerasyon na darating at magiging pag asa. Pero, gaano tayo nasisigurado na sila'y magiging pag-asa? Baka nga na tayo na ang huling pag asa ng ating mundo. At babalik ako sa katanungan ko.

Tutugon ka ba sa kaniyang pagsubok?
Back to top Go down
http://veronicans.aforumfree.com
 
Hayo na, Tayong mga Sandayo
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Veronicans, Soar High!! :: Academia :: Science-
Jump to: